Enola Holmes: pelikula tungkol sa peminismo
Dahil sa pandemic , marahil isa ang panonood ng pelikula sa pinagkakaabalahan ng ilang mga kabataan bukod sa pagdalo sa online class . Tulad nila, may mga pagkakataon ding nababad ako sa panonood ng mga pelikula. Minsan naman ay ginugugol ko ang aking oras sa pagbabasa ng mga nobela. Habang kausap ko ang ilan sa aking mga kaibigan, I came across a good movie entitled “Enola Holmes.” Inirekomenda rin ito ng aking kaibigan na siyang adik sa Netflix at sinabi pa niya, “ if you want to watch a good movie, try and watch Enola Holmes , Marco .” Masasabi kong maganda nga ang pelikula sa unang tingin pa lamang. Bukod sa poging aktor na si Henry Cavill at ang iniidolo kong si Helena Bonham Carter , interesado rin ako dahil sinubaybayan ko rin ang magaling na detective na si Sherlock Holmes. Mula sa kaliwa: Sherlock Holmes, Eudoria Holmes, Enola Holmes, Mycroft Holmes Tungkol saan ang pelikula? Babala: Sa mga nais magpatuloy sa pagbabasa, ang post na ito ...